Mga Taga-Galacia 4

Kahit naging pabigat sa inyo ang sakit ko, hindi nʼyo ako hinamak o itinakwil. Sa halip, tinanggap nʼyo pa nga ako na parang isang anghel ng Diyos o parang ako na mismo si Kristo Hesus.

Galatians 4:14 (UKJV) And my temptation which was in my flesh all of you despised not, nor rejected; but received me as an angel of God, even as Christ Jesus.

12Nakikiusap ako sa inyo mga kapatid, na tularan ninyo ako, dahil akoʼy naging kagaya ninyong mga Hentil kahit akoʼy isang Hudyo. Wala kayong kasalanan sa akin.

13Alam naman ninyo na ang pagkakasakit ko ang naging dahilan kaya ko naipangaral sa inyo ang Magandang Balita sa unang pagkakataon.

14Kahit naging pabigat sa inyo ang sakit ko, hindi nʼyo ako hinamak o itinakwil. Sa halip, tinanggap nʼyo pa nga ako na parang isang anghel ng Diyos o parang ako na mismo si Kristo Hesus.

15Napakasaya natin noon. Ano ang nangyari? Ako mismo ang makakapagpatunay na kung maaari lang noon ay dinukot na ninyo ang inyong mga mata para ibigay sa akin.

16Naging kaaway na ba ninyo ako dahil sinasabi ko ang katotohanan?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.