Mga Taga-Galacia 4

Napakasaya natin noon. Ano ang nangyari? Ako mismo ang makakapagpatunay na kung maaari lang noon ay dinukot na ninyo ang inyong mga mata para ibigay sa akin.

Galatians 4:15 (UKJV) Where is then the blessedness all of you spoke of? for I bear you record, that, if it had been possible, all of you would have plucked out your own eyes, and have given them to me.

13Alam naman ninyo na ang pagkakasakit ko ang naging dahilan kaya ko naipangaral sa inyo ang Magandang Balita sa unang pagkakataon.

14Kahit naging pabigat sa inyo ang sakit ko, hindi nʼyo ako hinamak o itinakwil. Sa halip, tinanggap nʼyo pa nga ako na parang isang anghel ng Diyos o parang ako na mismo si Kristo Hesus.

15Napakasaya natin noon. Ano ang nangyari? Ako mismo ang makakapagpatunay na kung maaari lang noon ay dinukot na ninyo ang inyong mga mata para ibigay sa akin.

16Naging kaaway na ba ninyo ako dahil sinasabi ko ang katotohanan?

17May mga tao diyan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa inyo, pero hindi mabuti ang hangarin nila. Gusto lang nila akong siraan, upang sila ang sundin ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.