Mga Taga-Galacia 4

Minamahal kong mga anak, hanggaʼt hindi nakikita sa inyo ang buhay ni Kristo, maghihirap akong parang isang babaeng nanganganak.

Galatians 4:19 (UKJV) My little children, of whom I travail in birth again until Christ be formed in you,

17May mga tao diyan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa inyo, pero hindi mabuti ang hangarin nila. Gusto lang nila akong siraan, upang sila ang sundin ninyo.

18Hindi masamang magpakita sila ng pagmamalasakit kahit wala ako sa piling nʼyo, bastaʼt mabuti lang ang hangarin nila.

19Minamahal kong mga anak, hanggaʼt hindi nakikita sa inyo ang buhay ni Kristo, maghihirap akong parang isang babaeng nanganganak.

20Kung maaari lang sana, makapunta na ako diyan at makausap kayo nang maayos dahil nag-aalala ako ng labis sa inyo!

21Ngayon, sabihin nga ninyo sa akin, kayong mga nais magpailalim sa Kautusan, hindi ba ninyo alam ang sinasabi sa Kautusan?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.