Mga Taga-Galacia 4

Kung maaari lang sana, makapunta na ako diyan at makausap kayo nang maayos dahil nag-aalala ako ng labis sa inyo!

Galatians 4:20 (UKJV) I desire to be present with you now, and to change my voice; for I stand in doubt of you.

18Hindi masamang magpakita sila ng pagmamalasakit kahit wala ako sa piling nʼyo, bastaʼt mabuti lang ang hangarin nila.

19Minamahal kong mga anak, hanggaʼt hindi nakikita sa inyo ang buhay ni Kristo, maghihirap akong parang isang babaeng nanganganak.

20Kung maaari lang sana, makapunta na ako diyan at makausap kayo nang maayos dahil nag-aalala ako ng labis sa inyo!

21Ngayon, sabihin nga ninyo sa akin, kayong mga nais magpailalim sa Kautusan, hindi ba ninyo alam ang sinasabi sa Kautusan?

22Sinasabi roon na may dalawang anak si Abraham. Ang isaʼy anak niya sa isang aliping babae, at ang isa naman ay sa isang malaya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.