22Sinasabi roon na may dalawang anak si Abraham. Ang isaʼy anak niya sa isang aliping babae, at ang isa naman ay sa isang malaya.
23Ang kanyang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa karaniwang panganganak, ngunit ang anak niya sa malayang babae ay ipinanganak ayon sa pangako ng Diyos.
24Maaari nating tingnan ang dalawang babaeng ito bilang isang paghahalintulad. Kumakatawan sila sa dalawang kasunduan. Si Hagar ay kumakatawan sa kasunduan na ibinigay ng Diyos kay Moises sa Bundok ng Sinai. Ipinanganak na mga alipin ang mga anak niya.
25Si Hagar, na kumakatawan sa Bundok ng Sinai sa Arabia ay kumakatawan din sa kasalukuyang Jerusalem, sapagkat ang mga tao sa Jerusalem ay naging alipin ng Kautusan.
26Ngunit ang asawang si Sara ay hindi alipin, at siya ang kumakatawan sa Jerusalem na nasa langit, at siya ang ating ina dahil hindi tayo alipin ng Kautusan.