27Sapagkat sinasabi sa Kasulatan: “Matuwa ka, baog na babae, ikaw na hindi pa nagkakaanak! Humiyaw ka sa kagalakan, ikaw na hindi pa nakakaranas ng sakit sa panganganak. Sapagkat kahit iniwan ka ng asawa mo, mas marami ang magiging anak mo kaysa sa babaeng kapiling ang kanyang asawa.”
28Mga kapatid, mga anak kayo ng Diyos ayon sa pangako niya, tulad ni Isaac na ipinanganak ayon sa pangako ng Diyos.
29Noong una, si Isaac na ipinanganak ayon sa Espiritu ay inusig ni Ismael na ipinanganak ayon sa karaniwang panganganak. Ganoon din ang nangyayari ngayon; inuusig tayo ng mga taong nais magpaalipin sa Kautusan.
30Ngunit ano ba ang sinasabi sa Kasulatan? “Palayasin mo ang babaeng alipin at ang anak niya, dahil ang anak ng babaeng alipin ay hindi maaaring makibahagi sa mamanahin ng anak ng babaeng malaya.”
31Kaya nga mga kapatid, hindi tayo anak ng babaeng alipin, kundi anak ng babaeng malaya.