Mga Taga-Galacia 4

Ngunit ano ba ang sinasabi sa Kasulatan? “Palayasin mo ang babaeng alipin at ang anak niya, dahil ang anak ng babaeng alipin ay hindi maaaring makibahagi sa mamanahin ng anak ng babaeng malaya.”

Galatians 4:30 (UKJV) Nevertheless what says the scripture? Cast out the bondwoman and her son: for the son of the bondwoman shall not be heir with the son of the freewoman.

28Mga kapatid, mga anak kayo ng Diyos ayon sa pangako niya, tulad ni Isaac na ipinanganak ayon sa pangako ng Diyos.

29Noong una, si Isaac na ipinanganak ayon sa Espiritu ay inusig ni Ismael na ipinanganak ayon sa karaniwang panganganak. Ganoon din ang nangyayari ngayon; inuusig tayo ng mga taong nais magpaalipin sa Kautusan.

30Ngunit ano ba ang sinasabi sa Kasulatan? “Palayasin mo ang babaeng alipin at ang anak niya, dahil ang anak ng babaeng alipin ay hindi maaaring makibahagi sa mamanahin ng anak ng babaeng malaya.”

31Kaya nga mga kapatid, hindi tayo anak ng babaeng alipin, kundi anak ng babaeng malaya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.