1Mga kapatid, kung may magkasala man sa inyo, kayong mga ginagabayan ng Espiritu ang dapat tumulong sa kanya upang magbalik-loob sa Panginoon. Ngunit gawin nʼyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo dahil baka kayo naman ang matukso.
2Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Kristo.
3Kung mayroon sa inyong nag-aakala na nakakahigit siya sa iba gayong hindi naman, nililinlang lamang niya ang kanyang sarili.
4Dapat suriin ng bawat isa ang ginagawa niya. At kung mabuti ang ginagawa niya, magalak siya. Ngunit huwag niyang ikukumpara ang sarili niya sa iba,
5dahil may pananagutan ang bawat isa sa kanyang ginagawa.