Mga Taga-Galacia 6

dahil may pananagutan ang bawat isa sa kanyang ginagawa.

Galatians 6:5 (UKJV) For every man shall bear his own burden.

3Kung mayroon sa inyong nag-aakala na nakakahigit siya sa iba gayong hindi naman, nililinlang lamang niya ang kanyang sarili.

4Dapat suriin ng bawat isa ang ginagawa niya. At kung mabuti ang ginagawa niya, magalak siya. Ngunit huwag niyang ikukumpara ang sarili niya sa iba,

5dahil may pananagutan ang bawat isa sa kanyang ginagawa.

6Ang mga tinuturuan ng salita ng Diyos ay dapat na tumulong at magbigay sa mga nagtuturo sa kanila.

7Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Diyos ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.