Mga Taga-Galacia 6

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Diyos ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Galatians 6:7 (UKJV) Be not deceived; God is not mocked: for whatsoever a man sows, that shall he also reap.

5dahil may pananagutan ang bawat isa sa kanyang ginagawa.

6Ang mga tinuturuan ng salita ng Diyos ay dapat na tumulong at magbigay sa mga nagtuturo sa kanila.

7Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Diyos ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

8Kung ang ninanasa ng laman ang sinusunod ng isang tao, kamatayan ang aanihin niya. Ngunit kung ang Espiritu ang sinusunod ng isang tao, matatanggap niya mula sa Espiritu ang buhay na walang hanggan.

9Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahoʼy matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.