Mga Taga-Galacia 6

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahoʼy matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

Galatians 6:9 (UKJV) And let us not be weary in well doing: for in due season we shall reap, if we faint not.

7Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Diyos ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

8Kung ang ninanasa ng laman ang sinusunod ng isang tao, kamatayan ang aanihin niya. Ngunit kung ang Espiritu ang sinusunod ng isang tao, matatanggap niya mula sa Espiritu ang buhay na walang hanggan.

9Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahoʼy matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

10Kaya nga sa tuwing may pagkakataon, gumawa tayo ng kabutihan sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

11Mapapansin ninyong malalaking letra na ang nakasulat dito. Ako na ang sumusulat nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.