14Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng mga ilaw sa kalawakan upang ihiwalay ang araw sa gabi, at magsilbing palatandaan ng mga panahon, araw at taon.
15Magniningning ang mga ito sa kalawakan upang magbigay-liwanag sa mundo.” At iyon nga ang nangyari.
16Nilikha ng Diyos ang dalawang malalaking ilaw: Ang mas malaki ay magliliwanag kung araw, at ang mas maliit ay magliliwanag kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin.
17Inilagay ng Diyos ang mga ito sa kalawakan upang magbigay-liwanag sa daigdig,
18upang pamunuhan ang araw at gabi, at upang ihiwalay ang liwanag sa dilim. Nasiyahan ang Diyos sa nakita niya.