16Nilikha ng Diyos ang dalawang malalaking ilaw: Ang mas malaki ay magliliwanag kung araw, at ang mas maliit ay magliliwanag kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin.
17Inilagay ng Diyos ang mga ito sa kalawakan upang magbigay-liwanag sa daigdig,
18upang pamunuhan ang araw at gabi, at upang ihiwalay ang liwanag sa dilim. Nasiyahan ang Diyos sa nakita niya.
19Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaapat na araw.
20Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Mapuno ang tubig ng napakaraming uri ng nilalang at magsilipad ang mga ibon sa himpapawid.”