18upang pamunuhan ang araw at gabi, at upang ihiwalay ang liwanag sa dilim. Nasiyahan ang Diyos sa nakita niya.
19Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaapat na araw.
20Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Mapuno ang tubig ng napakaraming uri ng nilalang at magsilipad ang mga ibon sa himpapawid.”
21Kaya nilikha ng Diyos ang malalaking hayop sa dagat, at ang lahat ng uri ng nilalang na pumupuno at gumagalaw sa tubig, at ang lahat ng uri ng ibon. Nasiyahan ang Diyos sa nakita niya.
22At binasbasan niya ang mga ito. Sinabi niya, “Magkaanak kayo at magpakarami, kayong mga nilalang sa tubig, at punuin ninyo ang mga dagat, at magpakarami kayo, kayong mga ibon.”