Genesis 1

Kaya nilikha ng Diyos ang malalaking hayop sa dagat, at ang lahat ng uri ng nilalang na pumupuno at gumagalaw sa tubig, at ang lahat ng uri ng ibon. Nasiyahan ang Diyos sa nakita niya.

Genesis 1:21 (UKJV) And God created great whales, and every living creature that moves, which the waters brought forth abundantly, after their kind, and every winged fowl after his kind: and God saw that it was good.

19Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaapat na araw.

20Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Mapuno ang tubig ng napakaraming uri ng nilalang at magsilipad ang mga ibon sa himpapawid.”

21Kaya nilikha ng Diyos ang malalaking hayop sa dagat, at ang lahat ng uri ng nilalang na pumupuno at gumagalaw sa tubig, at ang lahat ng uri ng ibon. Nasiyahan ang Diyos sa nakita niya.

22At binasbasan niya ang mga ito. Sinabi niya, “Magkaanak kayo at magpakarami, kayong mga nilalang sa tubig, at punuin ninyo ang mga dagat, at magpakarami kayo, kayong mga ibon.”

23Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikalimang araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.