14pati ang mga Patrusim, Caslusim at Caftorim na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.
15Si Canaan ang ama ni Sidon, na kanyang panganay at pinagmulan ng mga Sidoneo. Si Canaan din ang ninuno ng mga Heteo,
16Jebuseo, Amoreo, Gergeseo,
17Heveo, Araceo, Sineo,
18Arvadeo, Zemareo, at Hamateo. Sa bandang huli, nangalat ang mga lahi ni Canaan.