2Ang mga lalaking anak ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Mesec at Tiras.
3Ang mga anak ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat at Togarma.
4Ang mga anak naman ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Dodanim.
5Ito ang mga lahi ni Jafet. Sila ang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga dalampasigan at mga isla. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lugar na sakop ng bansa nila, at may sarili silang wika.
6Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put at Canaan.