4Ang mga anak naman ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Dodanim.
5Ito ang mga lahi ni Jafet. Sila ang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga dalampasigan at mga isla. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lugar na sakop ng bansa nila, at may sarili silang wika.
6Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put at Canaan.
7Ang mga anak ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak ni Raama ay sina Saba at Dedan.
8May isa pang anak si Cus na ang pangalan ay Nimrod. Siya ay isang magiting na mandirigma sa daigdig.