Genesis 10

Ang mga anak ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak ni Raama ay sina Saba at Dedan.

Genesis 10:7 (UKJV) And the sons of Cush; Seba, and Havilah, and Sabtah, and Raamah, and Sabtechah: and the sons of Raamah; Sheba, and Dedan.

5Ito ang mga lahi ni Jafet. Sila ang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga dalampasigan at mga isla. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lugar na sakop ng bansa nila, at may sarili silang wika.

6Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put at Canaan.

7Ang mga anak ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak ni Raama ay sina Saba at Dedan.

8May isa pang anak si Cus na ang pangalan ay Nimrod. Siya ay isang magiting na mandirigma sa daigdig.

9Alam ng Panginoon na mahusay siyang mangangaso; dito nanggaling ang kasabihang, “Katulad ka ni Nimrod na alam ng Panginoon na mahusay na mangangaso.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.