11Matapos isilang si Arfaxad, nabuhay pa si Shem ng limandaang taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
12Nang tatlumpuʼt limang taóng gulang na si Arfaxad, isinilang ang anak niyang lalaki na si Shela.
13Matapos isilang si Shela, nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
14Nang tatlumpung taóng gulang na si Shela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Heber.
15Matapos isilang si Heber, nabuhay pa si Shela ng 403 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.