Genesis 11

Nang tatlumpuʼt limang taóng gulang na si Arfaxad, isinilang ang anak niyang lalaki na si Shela.

Genesis 11:12 (UKJV) And Arphaxad lived five and thirty years, and brings forth Salah:

10Ito ang salaysay tungkol sa mga lahi ni Shem. Dalawang taon pagkatapos ng baha, isangdaang taóng gulang na noon si Shem, nang isilang ang anak niyang lalaki na si Arfaxad.

11Matapos isilang si Arfaxad, nabuhay pa si Shem ng limandaang taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

12Nang tatlumpuʼt limang taóng gulang na si Arfaxad, isinilang ang anak niyang lalaki na si Shela.

13Matapos isilang si Shela, nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

14Nang tatlumpung taóng gulang na si Shela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Heber.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.