8Kaya ikinalat sila ng Panginoon sa buong mundo, at nahinto ang pagtatayo nila ng lungsod.
9Ang lungsod na ito ay tinawag na Babel dahil doon pinag-iba-iba ng Panginoon ang wika ng mga tao, at mula roon ay pinangalat niya sila sa buong mundo.
10Ito ang salaysay tungkol sa mga lahi ni Shem. Dalawang taon pagkatapos ng baha, isangdaang taóng gulang na noon si Shem, nang isilang ang anak niyang lalaki na si Arfaxad.
11Matapos isilang si Arfaxad, nabuhay pa si Shem ng limandaang taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
12Nang tatlumpuʼt limang taóng gulang na si Arfaxad, isinilang ang anak niyang lalaki na si Shela.