28Namatay si Haran doon sa Ur na sakop ng mga Caldeo, sa lugar mismo kung saan siya isinilang. Namatay siya habang buháy pa ang kanyang amang si Tera.
29Naging asawa ni Abram si Sarai, at si Nahor ay naging asawa ni Milca. Ang ama ni Milca at ng kapatid niyang si Isca ay si Haran.
30Si Sarai ay hindi magkaanak dahil siyaʼy baog.
31Umalis si Tera sa Ur na sakop ng mga Caldeo. Kasama niya ang anak niyang si Abram, ang kanyang manugang na si Sarai, at ang apo niyang si Lot na anak ni Haran. Papunta sana sila sa Canaan, ngunit pagdating nila sa Haran doon na lamang sila tumira.
32Doon namatay si Tera sa edad na 205.