Genesis 11

Naging asawa ni Abram si Sarai, at si Nahor ay naging asawa ni Milca. Ang ama ni Milca at ng kapatid niyang si Isca ay si Haran.

Genesis 11:29 (UKJV) And Abram and Nahor took them wives: the name of Abram's wife was Sarai; and the name of Nahor's wife, Milcah, the daughter of Haran, the father of Milcah, and the father of Iscah.

27Ito ang salaysay tungkol sa lahi ni Tera. Si Tera ang ama nina Abram, Nahor at Haran. Si Haran ang ama ni Lot.

28Namatay si Haran doon sa Ur na sakop ng mga Caldeo, sa lugar mismo kung saan siya isinilang. Namatay siya habang buháy pa ang kanyang amang si Tera.

29Naging asawa ni Abram si Sarai, at si Nahor ay naging asawa ni Milca. Ang ama ni Milca at ng kapatid niyang si Isca ay si Haran.

30Si Sarai ay hindi magkaanak dahil siyaʼy baog.

31Umalis si Tera sa Ur na sakop ng mga Caldeo. Kasama niya ang anak niyang si Abram, ang kanyang manugang na si Sarai, at ang apo niyang si Lot na anak ni Haran. Papunta sana sila sa Canaan, ngunit pagdating nila sa Haran doon na lamang sila tumira.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.