Genesis 12

Ngayon, sinabi ng Panginoon kay Abram, “Lisanin mo ang iyong lupain, ang iyong mga kamag-anak maging ang sambahayan ng iyong ama, at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo.”

Genesis 12:1 (UKJV) Now the LORD had said unto Abram, Get you out of your country, and from your kindred, and from your father's house, unto a land that I will show you:

1Ngayon, sinabi ng Panginoon kay Abram, “Lisanin mo ang iyong lupain, ang iyong mga kamag-anak maging ang sambahayan ng iyong ama, at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo.”

2“Gagawin kong isang malaking bansa ang lahi mo, at pagpapalain kita. Gagawin kong tanyag ang pangalan mo, at marami ang pagpapalain dahil sa iyo.

3Pagpapalain ko ang mga magpapala saʼyo. Ngunit isusumpa ko naman ang mga susumpa sa iyo. Sa pamamagitan moʼy pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.