1Ngayon, sinabi ng Panginoon kay Abram, “Lisanin mo ang iyong lupain, ang iyong mga kamag-anak maging ang sambahayan ng iyong ama, at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo.”
2“Gagawin kong isang malaking bansa ang lahi mo, at pagpapalain kita. Gagawin kong tanyag ang pangalan mo, at marami ang pagpapalain dahil sa iyo.
3Pagpapalain ko ang mga magpapala saʼyo. Ngunit isusumpa ko naman ang mga susumpa sa iyo. Sa pamamagitan moʼy pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.”
4Kaya umalis si Abram ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya, at sumáma si Lot sa kanya. Si Abram ay pitumpuʼt limang taóng gulang na noong umalis siya roon.