8Mula roon, lumipat sila sa bundok na nasa silangan ng Betel, at doon sila nagtayo ng tolda, sa pagitan ng Betel at Ai. Ang Betel ay nasa kanluran at ang Ai naman ay nasa silangan. Gumawa rin doon si Abram ng altar para sa Panginoon kung saan niya sinamba ang Panginoon.
9Hindi nagtagal, muli silang lumipat. Nagpatuloy sila sa paglalakbay papunta sa Negeb.
10Noong panahong iyon nagkaroon ng matinding taggutom sa Canaan, kaya pumunta si Abram sa Ehipto upang doon muna manirahan.
11Nang paparating na sila sa Ehipto, sinabi ni Abram sa kanyang asawa, “Sarai, maganda kang babae.
12Kapag nakita ka ng mga Ehipsiyo, sasabihin nilang asawa kita, kaya papatayin nila ako upang makuha ka nila.