12Kapag nakita ka ng mga Ehipsiyo, sasabihin nilang asawa kita, kaya papatayin nila ako upang makuha ka nila.
13Ang mabuti paʼy sabihin mo sa kanilang magkapatid tayo upang hindi nila ako patayin at upang maging mabuti ang pakikitungo nila sa akin dahil sa iyo.”
14Pagdating nga nila sa Ehipto, nakita ng mga Ehipsiyo ang kagandahan ni Sarai.
15At nang makita siya ng mga opisyal ng Faraon, sinabi nila sa hari kung gaano siya kaganda. Kaya dinala si Sarai roon sa palasyo.
16Dahil kay Sarai, naging mabuti ang pakikitungo ng hari kay Abram at binigyan pa siya ng mga tupa, kambing, baka, asno, kamelyo at mga alipin.