1Kaya umalis si Abram sa Ehipto, at nagtungo pahilaga sa Negeb kasama ang kanyang asawa at dala ang lahat ng kanyang ari-arian, at sumáma rin sa kanila si Lot.
2Napakayaman na noon ni Abram, marami na siyang hayop, pilak at ginto.
3Mula sa Negeb, nagpalipat-lipat sila hanggang makabalik sila sa lugar na dati nilang pinagtayuan ng tolda. Ang lugar na ito ay nasa gitna ng Betel at Ai.
4Dito rin siya unang nagtayo ng altar nang dumating sila sa Canaan. At doon, muling sumamba si Abram sa Panginoon.
5Si Lot na laging kasama ni Abram saan man siya pumunta ay may sarili ring mga hayop at mga tolda.