5Si Lot na laging kasama ni Abram saan man siya pumunta ay may sarili ring mga hayop at mga tolda.
6At dahil marami na silang mga hayop at iba pang mga ari-arian, hindi sila maaaring manirahan sa iisang lugar. Ang pastulan ay hindi magkakasya sa kanila.
7Dahil dito, nag-away-away ang mga tagapagbantay ng mga hayop nila. Nang panahong iyon, ang mga Cananeo at mga Perezeo ay nakatira rin sa lupaing iyon.
8Kaya sinabi ni Abram kay Lot, “Tayo at ang mga tauhan natin ay hindi dapat mag-away, dahil tayoʼy magkakamag-anak.
9Ang mabuti pa, maghiwalay na lang tayo dahil malawak pa ang lugar na maaaring pagpilian. Ikaw ang mamili kung aling bahagi ng lupain ang pipiliin mo. Kung kakaliwa ka, kakanan ako; kung kakanan ka, kakaliwa naman ako.”