Genesis 14

Nang pauwi na si Abram, matapos nilang talunin si Kedorlaomer at ang mga kasama niyang mga hari, sinalubong siya ng hari ng Sodoma sa Lambak ng Save (na tinatawag ding Lambak ng Hari).

Genesis 14:17 (UKJV) And the king of Sodom went out to meet him after his return from the slaughter of Chedorlaomer, and of the kings that were with him, at the valley of Shaveh, which is the king's dale.

15Kinagabihan, pinangkat ni Abram ang kanyang mga tauhan at nilusob nila ang mga kalaban, at natalo nila ang mga ito. Ang ibang nakatakas ay hinabol nila hanggang sa Hoba, sa hilaga ng Damasco.

16Binawi nila ang lahat ng ari-ariang sinamsam ng mga kalaban. Binawi rin nila si Lot at ang mga ari-arian nito pati ang mga babae at ang iba pang mga tao.

17Nang pauwi na si Abram, matapos nilang talunin si Kedorlaomer at ang mga kasama niyang mga hari, sinalubong siya ng hari ng Sodoma sa Lambak ng Save (na tinatawag ding Lambak ng Hari).

18Sumalubong din kay Abram si Haring Melquisedec ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos na may dalang pagkain at inumin.

19Binasbasan niya si Abram at sinabing: “Nawaʼy pagpalain ka Abram ng Kataas-taasang Diyos na lumikha ng langit at lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.