5Pagkatapos, dinala siya ng Panginoon sa labas at sinabi, “Masdan mo ang mga bituin sa langit, bilangin mo kung makakaya mo. Magiging ganyan din karami ang iyong lahi.”
6Nanalig si Abram sa Panginoon. At dahil dito, itinuring siyang matuwid.
7Sinabi pa niya kay Abram, “Ako ang Panginoon na nag-utos sa iyo na lisanin ang Ur na sakop ng mga Caldeo upang ibigay sa iyo ang lupaing ito at magiging pag-aari mo.”
8Ngunit sinabi ni Abram, “O Makapangyarihang Panginoon, paano ko po malalaman na magiging akin ito?”
9Sumagot ang Panginoon, “Dalhan mo ako rito ng isang dumalagang baka, isang babaeng kambing, at isang lalaking tupa, na ang bawat isaʼy tatlong taon ang gulang. At magdala ka rin ng isang inakay na batu-bato at isang inakay na kalapati.”