7Sinabi pa niya kay Abram, “Ako ang Panginoon na nag-utos sa iyo na lisanin ang Ur na sakop ng mga Caldeo upang ibigay sa iyo ang lupaing ito at magiging pag-aari mo.”
8Ngunit sinabi ni Abram, “O Makapangyarihang Panginoon, paano ko po malalaman na magiging akin ito?”
9Sumagot ang Panginoon, “Dalhan mo ako rito ng isang dumalagang baka, isang babaeng kambing, at isang lalaking tupa, na ang bawat isaʼy tatlong taon ang gulang. At magdala ka rin ng isang inakay na batu-bato at isang inakay na kalapati.”
10Kaya dinala ni Abram ang lahat ng ito sa Panginoon. Pagkatapos, pinaghati-hati niya at inilapag sa gitna na magkakatapat ang bawat kahati. Ang batu-bato lamang at ang kalapati ang hindi niya hinati.
11Dumadapo sa hinating mga hayop ang mga ibong kumakain ng patay, ngunit binubugaw ito ni Abram.