8Tinanong siya ng anghel, “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka ba nanggaling at saan ka pupunta?” Sumagot siya, “Tumakas po ako sa amo kong si Sarai.”
9Sinabi ng anghel ng Panginoon sa kanya, “Bumalik ka sa amo mo at magpakumbaba ka sa kanya.”
10Pagkatapos, sinabi pa ng anghel, “Pararamihin ko ang lahi mo, at ang dami nilaʼy hindi mabibilang.”
11At sinabi pa ng anghel ng Panginoon sa kanya, “Nagdadalantao ka ngayon at magsisilang ka ng lalaki. Pangangalanan mo siyang Ismael, sapagkat narinig ng Panginoon ang iyong pagdaing.
12Ngunit ang anak mo ay mabubuhay tulad ng isang asnong-gubat. Kakalabanin niya ang lahat, at ang lahat ay lalaban sa kanya. Kahit ang mga kamag-anak niya ay kakalabanin sa kanya.”