Genesis 16

At sinabi pa ng anghel ng Panginoon sa kanya, “Nagdadalantao ka ngayon at magsisilang ka ng lalaki. Pangangalanan mo siyang Ismael, sapagkat narinig ng Panginoon ang iyong pagdaing.

Genesis 16:11 (UKJV) And the angel of the LORD said unto her, Behold, you are with child and shall bear a son, and shall call his name Ishmael; because the LORD has heard your affliction.

9Sinabi ng anghel ng Panginoon sa kanya, “Bumalik ka sa amo mo at magpakumbaba ka sa kanya.”

10Pagkatapos, sinabi pa ng anghel, “Pararamihin ko ang lahi mo, at ang dami nilaʼy hindi mabibilang.”

11At sinabi pa ng anghel ng Panginoon sa kanya, “Nagdadalantao ka ngayon at magsisilang ka ng lalaki. Pangangalanan mo siyang Ismael, sapagkat narinig ng Panginoon ang iyong pagdaing.

12Ngunit ang anak mo ay mabubuhay tulad ng isang asnong-gubat. Kakalabanin niya ang lahat, at ang lahat ay lalaban sa kanya. Kahit ang mga kamag-anak niya ay kakalabanin sa kanya.”

13Tinawag ni Hagar na “Diyos na Nakakakita” ang pangalan ng Panginoon na nakipag-usap sa kanya, sapagkat sinabi niya, “Tunay bang nakita ko ang Diyos na nakakakita sa akin sa lugar na ito?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.