13Tinawag ni Hagar na “Diyos na Nakakakita” ang pangalan ng Panginoon na nakipag-usap sa kanya, sapagkat sinabi niya, “Tunay bang nakita ko ang Diyos na nakakakita sa akin sa lugar na ito?”
14Iyon ang bukal na naroon sa gitna ng Kades at Bered na tinatawag na Beer-lahai-roi.
15At nagsilang si Hagar ng isang anak na lalaki kay Abram. Pinangalanan niya ang kanyang anak ng Ismael.
16Si Abram ay walumpuʼt anim na taóng gulang nang ipinanganak ni Hagar si Ismael.