Genesis 17

Kailangang matuli silang lahat, isinilang man ito sa sambahayan ninyo o binili ninyo. Sapagkat ito ang palatandaan sa katawan ninyo na ang kasunduan ko sa inyo ay magpapatuloy magpakailanman.

Genesis 17:13 (UKJV) He that is born in your house, and he that is bought with your money, must essentially be circumcised: and my covenant shall be in your flesh for an everlasting covenant.

11Ito ang magiging palatandaan ng kasunduan ko sa inyo.

12Mula ngayon hanggang sa susunod pang mga henerasyon, ang lahat ng batang lalaking isinilang sa inyo ay dapat tuliin sa ikawalong araw nito, pati ang mga aliping lalaki na isinilang sa sambahayan ninyo o binili ninyo sa mga dayuhan.

13Kailangang matuli silang lahat, isinilang man ito sa sambahayan ninyo o binili ninyo. Sapagkat ito ang palatandaan sa katawan ninyo na ang kasunduan ko sa inyo ay magpapatuloy magpakailanman.

14Ang sinumang lalaki sa inyong tumangging magpatuli ay huwag ninyong ituring na kababayan, dahil binalewala niya ang aking kasunduan.”

15Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, “Tungkol naman sa asawa mong si Sarai, hindi mo na siya tatawaging Sarai, kundi mula ngayon ay Sara na ang itatawag mo sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.