Genesis 17

Sa mismong araw na iyon, tinupad ni Abraham ang iniutos sa kanya ng Diyos. Tinuli niya ang anak niyang si Ismael at ang lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan: ang mga aliping isinilang sa tahanan niya at ang mga aliping binili niya.

Genesis 17:23 (UKJV) And Abraham took Ishmael his son, and all that were born in his house, and all that were bought with his money, every male among the men of Abraham's house; and circumcised the flesh of their foreskin in the very same day, as God had said unto him.

21Subalit ang kasunduan ko sa iyo ay tutuparin ko lang kay Isaac. Ipapanganak ni Sara si Isaac sa ganito ring panahon sa susunod na taon.”

22Umalis ang Diyos pagkatapos niyang sabihin kay Abraham ang mga ito.

23Sa mismong araw na iyon, tinupad ni Abraham ang iniutos sa kanya ng Diyos. Tinuli niya ang anak niyang si Ismael at ang lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan: ang mga aliping isinilang sa tahanan niya at ang mga aliping binili niya.

24Si Abraham ay siyamnapuʼt siyam na taóng gulang nang tuliin siya,

25at si Ismael naman ay labingtatlong taóng gulang na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.