Genesis 18

Sinabi ng Panginoon, “Hindi ko dapat itago kay Abraham ang gagawin ko.

Genesis 18:17 (UKJV) And the LORD said, Shall I hide from Abraham that thing which I do;

15Natakot si Sara, kaya nagsinungaling siya. Sinabi niya, “Hindi po ako tumawa!” Ngunit sinabi ng Panginoon, “Tumawa ka talaga.”

16Pagkatapos, umalis ang tatlong lalaki. Inihatid sila ni Abraham hanggang sa lugar kung saan nakikita nila sa ibaba ang lungsod ng Sodoma.

17Sinabi ng Panginoon, “Hindi ko dapat itago kay Abraham ang gagawin ko.

18Talagang magiging malaki at makapangyarihang bansa ang mga lahi niya sa hinaharap. At sa pamamagitan niya, makakatanggap ng pagpapala ang ibang mga bansa.

19Pinili ko siya upang ipatupad niya sa mga anak at mga lahi niya ang utos ko na gumawa sila ng tama at matuwid. Sa ganoong paraan, matutupad ang aking pangako sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.