Genesis 18

Pinili ko siya upang ipatupad niya sa mga anak at mga lahi niya ang utos ko na gumawa sila ng tama at matuwid. Sa ganoong paraan, matutupad ang aking pangako sa kanya.”

Genesis 18:19 (UKJV) For I know him, that he will command his children and his household after him, and they shall keep the way of the LORD, to do justice and judgment; that the LORD may bring upon Abraham that which he has spoken of him.

17Sinabi ng Panginoon, “Hindi ko dapat itago kay Abraham ang gagawin ko.

18Talagang magiging malaki at makapangyarihang bansa ang mga lahi niya sa hinaharap. At sa pamamagitan niya, makakatanggap ng pagpapala ang ibang mga bansa.

19Pinili ko siya upang ipatupad niya sa mga anak at mga lahi niya ang utos ko na gumawa sila ng tama at matuwid. Sa ganoong paraan, matutupad ang aking pangako sa kanya.”

20Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Abraham, “Napakarami na ng dumaraing laban sa Sodoma at Gomora, dahil sobrang-sobra na ang kanilang kasalanan.

21Kaya pupunta ako roon upang malaman ko kung totoo o hindi ang mga daing ng mga tao na dumating sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.