18Ngunit sumagot si Lot, “Mga panginoon ko, huwag nʼyo na po akong patakbuhin papunta sa bundok.
19Kinahabagan nʼyo po ako at ipinakita ang nʼyo ang inyong dakilang kabutihan sa akin sa pagliligtas ninyo sa buhay ko. Ngunit napakalayo po ng bundok; baka maabutan ako ng sakuna at mamatay ako bago makarating doon.
20Nakita nʼyo po ba ang maliit na bayang iyon sa unahan? Tiyak na mararating ko po iyon dahil malapit lang. Maaari po bang doon na lang ako pumunta sa maliit na bayang iyon upang maligtas ako?”
21Sumagot ang anghel sa kanya, “Oo, payag ako sa kahilingan mo; hindi ko lilipulin ang bayan na iyon.
22Sige, tumakbo na kayo roon, dahil wala pa akong gagawin hanggaʼt hindi pa kayo nakakarating doon.” Ang bayang iyon ay tinatawag na Zoar dahil maliit ang bayang iyon.