Genesis 19

Nang mahihiga na sila upang matulog, dumating ang lahat ng bata at matatandang lalaki ng Sodoma, at pinaligiran nila ang bahay ni Lot.

Genesis 19:4 (UKJV) But before they lay down, the men of the city, even the men of Sodom, compassed the house round, both old and young, all the people from every quarter:

2“Kung maaari po, dumaan muna kayo sa bahay ko upang makapaghugas kayo ng mga paa ninyo at dito na po kayo matulog ngayong gabi. At bukas na lang kayo ng umaga magpatuloy sa paglalakbay ninyo.” Ngunit sumagot sila, “Huwag na lang, doon na lang kami matutulog sa plasa ngayong gabi.”

3Ngunit pinilit sila ni Lot, kaya sumáma na lang sila sa bahay niya. Naghanda si Lot ng mga inumin at mga pagkain. Nagpaluto rin siya ng tinapay na walang pampaalsa. At nang maihanda na ang pagkain, naghapunan sila.

4Nang mahihiga na sila upang matulog, dumating ang lahat ng bata at matatandang lalaki ng Sodoma, at pinaligiran nila ang bahay ni Lot.

5Tinawag nila si Lot at tinanong, “Nasaan na ang mga panauhin mong lalaki na dumating ngayong gabi? Palabasin mo sila rito dahil gusto namin silang sipingan.”

6Lumabas si Lot ng bahay upang harapin sila. Nang nasa labas na siya, isinara niya agad ang pintuan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.