Genesis 19

Ngunit sinabi ng mga tao, “Dayuhan ka lang dito kaya sino ka para makialam sa amin? Umalis ka riyan! Baka mas higit pa ang magawa namin sa iyo kaysa sa kanila.” Pagkatapos, itinulak nila si Lot. Lalapit sana sila sa pintuan upang gibain ito,

Genesis 19:9 (UKJV) And they said, Stand back. And they said again, This one fellow came in to sojourn, and he will essentially be a judge: now will we deal worse with you, than with them. And they pressed sore upon the man, even Lot, and came near to break the door.

7Sinabi niya sa kanila, “Mga kaibigan, nakikiusap ako sa inyo na huwag ninyong gagawin ang iniisip ninyong masama.

8Kung gusto nʼyo, may dalawa akong anak na dalaga. Ibibigay ko sila sa inyo at bahala na kayo kung ano ang gusto ninyong gawin sa kanila. Ngunit huwag ninyong galawin ang dalawang taong ito, dahil mga bisita ko sila at dapat ko silang protektahan.”

9Ngunit sinabi ng mga tao, “Dayuhan ka lang dito kaya sino ka para makialam sa amin? Umalis ka riyan! Baka mas higit pa ang magawa namin sa iyo kaysa sa kanila.” Pagkatapos, itinulak nila si Lot. Lalapit sana sila sa pintuan upang gibain ito,

10ngunit binuksan ito ng dalawang anghel na nasa loob at hinatak nila si Lot papasok, at isinara ang pintuan.

11Pagkatapos, binulag nila ang mga tao na nasa labas upang hindi na nila makita ang pintuan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.