Genesis 2

Kaya pinangalanan ng tao ang lahat ng hayop na maaamo at maiilap, at ang mga ibon sa himpapawid. Ngunit para sa kanya, wala kahit isa sa kanila ang nababagay na maging kasama niya na makakatulong sa kanya.

Genesis 2:20 (UKJV) And Adam gave names to all cattle, and to the fowl of the air, and to every beast of the field; but for Adam there was not found an associated helper for him.

18Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos, “Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya.”

19Nilikha ng Panginoong Diyos mula sa lupa ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa lupa pati ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Pagkatapos, dinala niya ang mga ito sa tao upang tingnan kung ano ang ipapangalan nito sa kanila. At kung ano ang itatawag ng tao sa kanila, iyon ang magiging pangalan nila.

20Kaya pinangalanan ng tao ang lahat ng hayop na maaamo at maiilap, at ang mga ibon sa himpapawid. Ngunit para sa kanya, wala kahit isa sa kanila ang nababagay na maging kasama niya na makakatulong sa kanya.

21Kaya pinatulog ng Panginoong Diyos ang lalaki nang mahimbing. At habang natutulog siya, kinuha ng Panginoong Diyos ang isa sa mga tadyang niya at pinaghilom ang laman na pinagkuhanan nito.

22Mula sa tadyang na kinuha ng Panginoong Diyos sa lalaki, gumawa siya ng isang babae, at dinala ito sa lalaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.