Genesis 2

Pagkatapos, nilikha rin ng Panginoong Diyos ang isang halamanan sa Eden, sa bandang silangan, at doon niya pinatira ang tao na nilikha niya.

Genesis 2:8 (UKJV) And the LORD God planted a garden eastward in Eden; and there he put the man whom he had formed.

6Ngunit kahit wala pang ulan, may mga bukal ng tubig mula sa ilalim ng lupa at dinidiligan ang lahat ng ibabaw nito.

7Nilikha ng Panginoong Diyos ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buháy na nilalang.

8Pagkatapos, nilikha rin ng Panginoong Diyos ang isang halamanan sa Eden, sa bandang silangan, at doon niya pinatira ang tao na nilikha niya.

9At pinatubo ng Panginoong Diyos ang lahat ng uri ng puno na magagandang tingnan at may masasarap na bunga. Sa gitna ng halamanan ay may puno na nagbibigay ng buhay, at may puno rin doon na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama.

10Mula sa Eden, may ilog na dumadaloy na siyang nagbibigay ng tubig sa halamanan. Nagsanga-sanga ito sa apat na ilog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.