Genesis 20

Sinabi pa sa kanya ng Diyos sa panaginip, “Oo, alam kong wala kang masamang balak, kaya hindi ko ipinahintulot na magalaw mo siya upang hindi ka magkasala sa akin.

Genesis 20:6 (UKJV) And God said unto him in a dream, Yea, I know that you did this in the integrity of your heart; for I also withheld you from sinning against me: therefore suffered I you not to touch her.

4Ngunit dahil hindi pa nagagalaw ni Abimelec si Sara, sinabi niya, “Panginoon, papatayin nʼyo po ba ang bayang wala namang kasalanan?

5Sinabi po kasi ni Abraham na kapatid niya si Sara at sinabi rin ni Sara na kapatid niya si Abraham. Inosente po ako at wala akong masamang balak sa pagkuha kay Sara.”

6Sinabi pa sa kanya ng Diyos sa panaginip, “Oo, alam kong wala kang masamang balak, kaya hindi ko ipinahintulot na magalaw mo siya upang hindi ka magkasala sa akin.

7Ngunit dapat mo siyang ibalik sa asawa niya dahil ang asawa niya ay isang propeta, at ipapanalangin ka niya upang hindi ka mamatay. Ngunit kapag hindi mo siya naibalik, binabalaan kita na mamamatay ka pati ang lahat ng tauhan mo.”

8Kinabukasan, maagang ipinatawag ni Abimelec ang lahat ng opisyal niya at sinabi sa kanila ang tungkol sa kanyang panaginip. At labis silang natakot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.