Genesis 20

Ngunit dahil hindi pa nagagalaw ni Abimelec si Sara, sinabi niya, “Panginoon, papatayin nʼyo po ba ang bayang wala namang kasalanan?

Genesis 20:4 (UKJV) But Abimelech had not come near her: and he said, LORD, will you slay also a righteous nation?

2Habang naroon sila, ang pakilala ni Abraham kay Sara sa mga tao ay kapatid niya ito. Kaya ipinakuha si Sara ni Haring Abimelec ng Gerar.

3Isang gabi, nagpakita ang Diyos kay Abimelec sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi niya, “Mamamatay ka dahil kinuha mo ang babaeng iyan na may asawa na.”

4Ngunit dahil hindi pa nagagalaw ni Abimelec si Sara, sinabi niya, “Panginoon, papatayin nʼyo po ba ang bayang wala namang kasalanan?

5Sinabi po kasi ni Abraham na kapatid niya si Sara at sinabi rin ni Sara na kapatid niya si Abraham. Inosente po ako at wala akong masamang balak sa pagkuha kay Sara.”

6Sinabi pa sa kanya ng Diyos sa panaginip, “Oo, alam kong wala kang masamang balak, kaya hindi ko ipinahintulot na magalaw mo siya upang hindi ka magkasala sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.