Genesis 20

Isang gabi, nagpakita ang Diyos kay Abimelec sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi niya, “Mamamatay ka dahil kinuha mo ang babaeng iyan na may asawa na.”

Genesis 20:3 (UKJV) But God came to Abimelech in a dream by night, and said to him, Behold, you are but a dead man, for the woman which you have taken; for she is a man's wife.

1Umalis sina Abraham sa Mamre at pumunta sa Negeb. Doon sila tumira sa kalagitnaan ng Kades at Shur. Hindi nagtagal, lumipat sila sa Gerar.

2Habang naroon sila, ang pakilala ni Abraham kay Sara sa mga tao ay kapatid niya ito. Kaya ipinakuha si Sara ni Haring Abimelec ng Gerar.

3Isang gabi, nagpakita ang Diyos kay Abimelec sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi niya, “Mamamatay ka dahil kinuha mo ang babaeng iyan na may asawa na.”

4Ngunit dahil hindi pa nagagalaw ni Abimelec si Sara, sinabi niya, “Panginoon, papatayin nʼyo po ba ang bayang wala namang kasalanan?

5Sinabi po kasi ni Abraham na kapatid niya si Sara at sinabi rin ni Sara na kapatid niya si Abraham. Inosente po ako at wala akong masamang balak sa pagkuha kay Sara.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.