1Umalis sina Abraham sa Mamre at pumunta sa Negeb. Doon sila tumira sa kalagitnaan ng Kades at Shur. Hindi nagtagal, lumipat sila sa Gerar.
2Habang naroon sila, ang pakilala ni Abraham kay Sara sa mga tao ay kapatid niya ito. Kaya ipinakuha si Sara ni Haring Abimelec ng Gerar.
3Isang gabi, nagpakita ang Diyos kay Abimelec sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi niya, “Mamamatay ka dahil kinuha mo ang babaeng iyan na may asawa na.”