18Tumayo ka at ibangon mo ang bata, dahil gagawin kong malaking bansa ang kanyang mga lahi.”
19Pagkatapos, may ipinakita ang Diyos sa kanya na isang balon. Pumunta siya roon at nilagyan ng tubig ang sisidlan niya. Pagkatapos, pinainom niya ang kanyang anak.
20Hindi pinabayaan ng Diyos si Ismael hanggang lumaki ito. Doon siya tumira sa ilang ng Paran at naging isa siyang mahusay na mamamana.
21Habang nakatira siya sa ilang ng Paran, ikinuha siya ng mapapangasawa ng kanyang ina mula sa Ehipto.
22Nang panahong iyon, pumunta si Abimelec kay Abraham kasama ang kumander ng mga sundalo niya na si Picol. Sinabi ni Abimelec kay Abraham, “Tinutulungan ka talaga ng Diyos sa lahat ng ginagawa mo.